Sagot: Magtayo ka ng "waste water treatment facility"
Yan yung problemang kinakaharap ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) para sa mga sinasakupan nilang munisipalidad.
May oportunidad: nagbigay ang USAID ng tulong para mag-seminar yung mga eksperto ng Local Government Units (LGU) dito sa Taiwan ukol sa nasabing problema.
3 LGUs: Angono, Calamba, Lucban = nagpadala sila ng mga kinatawan (inhinyero, konsehal, arkitekto, bise-mayor, atbp.) upang dumalo sa seminar at pagpupulong.
Naimbitahan kami (2 araw) sa mga pagpupulong at pagsasanay na ito
Nakakalungkot pero kulang talaga ang mga tao sa gobyerno na desidido na gumawa ng pagbabago. Nakakalungkot kasi nasaksihan mo kung paano talaga umiikot ang pulitika sa Pilipinas, kung paanong ang mga taong ito sa gobyerno ay kulang sa kagustuhan na gumawa ng kung ano ang mabuti para sa bayan at sa mga taong-bayan. Nakakalungkot kasi nasaksihan mo na nga sa Pilipinas, mas lalo mo pang nasaksihan sa ibang bansa.
Pero nakakatuwa kasi may mga tao pa rin na desidido na maglingkod sa publiko, buong puso, buong buhay. Saludo ako, nagbibigay sila ng inspirasyon at pag-asa. Hindi sila ganoon kadami, ika nga e, mabibilang mo gamit ang mga daliri mo sa kamay (sobra pa), pero alam mo na meron. Saludo ako sa Lucban, hanga ako sa dedikasyon ng mga taong ipinadala ng LLDA.
Mahirap simulan ang pagbabago, pero kung hindi ako, ikaw, kung hindi ikaw, siya, kung hindi siya, sino? Kung hindi ngayon, kailan? Paulit-ulit pero dapat isa-isip at isa-puso.
Marami ako'ng natutunan at napagtanto nitong nakalipas na dalawang araw. Totoo pala na may mga pangyayari sa buhay mo na huhubog sa mga prinsipyo mo: itong karanasan na 'to, isa sa magbabago at magpapatibay ng landas na balak ko'ng tahakin.
Ang panalangin ko, maituloy-tuloy ko, natin, yung mga prinsipyo na 'to kahit nakakapanghinayang yung mga nasasaksihan natin at alam ko na masasaksihan pa natin sa hinaharap.
Tanong: Handa na nga ba tayong mabigo? Handa ba tayong harapin ang realidad?
Sagot: Naghahanda, dapat inihahanda ang sarili.
Pero handa rin ako'ng maglingkod at maghanap ng solusyon. Ikaw? ^_^





